Quo vs Guo – ilalabas na sa mga susunod na linggo

Patuloy ang pagkolekta ng mga ebidensya ng Office of the Solicitor General (OSG) laban kay suspendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa quo warranto petition laban sa alkalde na nakatakdang ihain sa mga susunod na linggo.

Ang nadiskubre umanong pagtutugma ng finger print ni Guo at ng isang ‘Guo Hua Ping’ ay isang ‘breakthrough’ para sa kaso.

Ibinunyag kasi nito na ang nationality ng alkalde ay Chinese.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, mas matibay na ngayon ang mga ebidensya.

Kaugnay nito, dahil sinasabing hindi Pilipino si Guo, ibig sabihin ay hindi siya pupwedeng tumakbo at maghawak ng isang public office.

Paliwanag ni Guevarra, ang quo warranto petition ay isang eksklusibong kapangyarihan ng Solicitor General para alisin sa public office ang isang taong ‘unlawfully’ ay nasa puwesto dahil sila ay unqualified o ineligible para sa posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *