Rabiya, inirampa ang Philippine-flag inspired outfit sa costume competition ng Miss Universe

Ibinida ni Rabiya Mateo ang isang Philippine flag-inspired outfit sa ginanap na costume competition ng Miss Universe sa Hollywood, Florida.

Pero sa kabila ng mahusay na pagrampa ni Rabiya ay humingi pa rin ito ng tawad sa mga fans na ayon sa kanya ay dismayado sa naging performance niya.

Makikita sa costume ng Illonga beauty queen na taglay nito ang red and blue na pakpak na nasa 21 kilos na ang bigat, ang tatlong bituin, at mismatched heels.

Likha ng pumanaw na Filipino international designer na si Rocky Gathercole ang nasabing outfit.

Kinwestyon naman ng maraming fans online kung bakit hindi sinuot ni Rabiya ang headpiece na obra ng Bulacan jewelry designer na si Manny Halasan.

Ipinaliwanag naman ni Miss Universe 2011 runner-up at Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup-Lee na dala-dala naman nila ang nasabing head dress na may araw na disenyo, ngunit dahil lagi itong nahuhulog ay nagdesisyon sila na alisin na lamang ito.

Iginiit ni Rabiya sa kanyang pahayag: “I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *