Rabiya Mateo bigong makapasok sa Top 10 ng 69th Miss Universe

Bigo ang ating pambatong si Rabiya Mateo na masungkit ang korona para sa Miss Universe 2020.

Ito ay matapos syang di makapasok sa top 10. Gayunman, congratulations pa rin sa ating pambato dahil nagtapos ang kanyang Miss U journey sa top 21.

Ang mga kalahok na pasok sa susunod na round ay ang:

1 Jamaica

2 Dominican Republic

3 India

4 Peru

5 Australia

6 Puerto Rico

7 Thailand

8 Costa Rica

9 Mexico

10 Brazil

Mula sa 74 delegado, pinili agad ang mga pasok sa top 21.

Mula rito, rumampa ang mga kandidata sa swimsuit competition bago silang mabawasan muli at 10 na lamang ang matira.

Ang mga pasok sa top 10 ang rarampa naman para sa evening gown competition. Nagpapatuloy ang 69th Miss Universe coronation night sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *