Rabiya Mateo, itinuturing na “beautiful moment’ ang pagrepresenta sa Pilipinas

Itinuturing ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo bilang “beautiful moment” ang pagkakataon na maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

Sinabi ni Rabiya sa kanyang Instagram post na habambuhay niyang ikararangal na minsan na siya naging bahagi ng legasiya, o ng kasaysayan.

Mababasa rin sa caption ng post ni Rabiya: “In my heart, I did everything I can,”

Ibinahagi rin ni Rabiya na kabilang sa mga challenges na kanyang naranasan ay ang pagsisikap niya para maging physically fit, ang mga sleepless nights nito para lang magbasa ng mga artikulo upang siya ay maging updated, at iba pang mga sakripisyo na minsan ay hindi nakikita ng ibang tao.

Dagdag ni Rabiya, na patuloy lumalakas siya araw-araw sa bawat pagsubok na kanyang pinagdaanan.

Matatandaan na nagbunyi ang Pilipinas nang makapasok si Rabiya sa Top 21 ng Miss Universe pageant.

Mababatid na kinoronahan ni Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi si Andrea Meza ng Mexico bilang bagong reyna ng naturang beauty pageant. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *