RACE campaign inilunsad ng SSS para himukin ang non- compliant employers na i- settle ang kanilang obligasyon

CAMARINES NORTE- Inilunsad ng Social Security System (SSS) nitong Biyernes, April 28, ang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign para paalalahanan at utusan ang non- compliant employers na i- settle ang kanilang obligasyon.

Pinangunahan ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang aktibidad kasama ang mga Account Officer para isilbi ang kautusan sa anim na non- compliant employers na nagmula sa Basud, Mercedes at Daet.

Sa Press briefing sinabi ni Robredo na mayroong 15 araw ang mga employer na sinilbihan ng order para mag- comply sa Republic Act No 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Wala umano itong extension at kung mabibigo ang employer na mag- comply sa kautusan ng SSS ay iaakyat ang usapin sa kanilang legal department para sa posibleng criminal prosecution o paghahain ng kaso sa korte.

Ani Robredo, ang mga na employer na subject ng RACE ay dati na nilang nabisita at nabigyan ng assessment pero hindi sila nag- comply.

Iprinesenta naman ng SSS sa mga ito ang option to pay tulad ng SSS Contribution Penalty Condonation, Delinquency Management and Restructuring Program para maging magaan ang pag- settle ng contribution deficiencies.

Dagdag pa ni Robredo na kailangang mag- comply ang mga employer para na rin sa kapakanan ng kanilang mga empleado.

“We encourage sana po na yung mga deligquent employers natin ay i- avail and i- consider po itong inooffer ng SSS kasi para sa kapakanan po ng ng kanilang employees, kasi ito pong mga contribution, dito po kinukuha yung pambayad ng benepisyo ng mga empleado under the private sectors po in times of uncertainties, halimbawa po, nagkasakit sila nanganak and old pension, namatay magkakaroon ng funeral or death benefit,” ani Robredo.

Layon umano ng RACE campaign na ipaunawa sa mga employer ang kanilang obligasyong legal sa pag- remit at pag report ng kanilang mga empleado.

Ginawa ang special RACE nationwide bilang pag- obserba sa Araw ng Paggawa sa May 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *