RACE operations ng SSS Daet Branch iniurong sa August 17

CAMARINES NORTE – Iniurong ng Social Security System (SSS) Daet Branch sa August 17 sa halip na August 18 ang ikalawang regular Run After Contribution Evaders (RACE) para paalalahanan ang non-compliant employers at utusan ang mga itong i-settle ang kanilang obligasyon.

Ginagawa ang RACE sa diplomasyang pamamaraan at ipinapaliwanag sa non- compliant employers ang mga option na pwede nilang gawin para malinis ang kanilang record.

Sa pagsasagawa ng RACE ay inilalatag ng SSS ang mga programang makakatulong sa mga employer na may delinquency para ma- settle ang kanilang obligasyon.

Ito ay ang Contribution Penalty, Condonation Delinquency Management and restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation Program (CPCR-P) para naman sa household employers.

Bibigyan ng labing limang araw ang employer para mag- comply at kung mabibigo ay iaakyat ito sa legal division. Unang nagsagawa ng RACE ang SSS Daet noong Mayo at isang  special RACE noong Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *