Rafael Nadal, nagwithdraw sa Montreal tournament

Umatras si Rafael Nadal para sa susunod na linggong National Bank Open sa Montreal, dahil sa umano’y “little discomfort” na kadahilanan.

Kaugnay nito, ang abdominal strain ang nag-udyok kay Nadal na magwithdraw sa semifinals sa Wimbledon, kung saan nakatakda sana nitong makaharap si Australian Nick Kyrgios.

Sa Wimbledon, target ng ranked No. 3 in the world na makuha ang kanyang 23rd Grand Slam title, na pangatlo ngayong taon, matapos manalo sa Australian Open at French Open.

Hindi naman sinabi ng Spaniard sa kanyang social media announcement, kung naniniwala siyang handa na ba siya para sa final major ng season sa U.S. Open, na magsisimula sa Aug. 29 sa New York.

Una nito, noong Huwebes, nagwuthdraw si Wimbledon champion Novak Djokovic mula sa Montreal event, na bagama’t hindi malinaw ang dahilan, pero maaring umanong dahil sa kanyang unvaccinated status.

Leave a Reply

Your email address will not be published.