CAMARINES SUR- Sunod-sunod na pagyanig ang naramdaman ng mga residente ng Ragay , Camarines Sur at mga karatig bayan nitong weekends.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , ito ay matatawag nang earthquake swarm. Nitong Agosto 20, umabot sa 45 na lindol ang plotted ng tanggapan, 35 ang naramdaman, Magnitude 4.4 ang pinakamalakas.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Paul Alanis ng PHIVOLCS Bicol, sinabi nitong normal ito sa Bicol Region dahil tectonically o geologically active, at ilan sa mga sanga ng Philippine Fault Zone ay dumaraan sa Camarines Sur.
Kaagad naman na nagpulong ang LGU at mga nasa emergency response upang mag assess.Sa inisyal na pagtatala wala namang major damages.
Gayunpaman, pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente sa posibilidad ng mas malakas pang pagyanig.
Samantala sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Office , mag kakaroon ng Mental Health Psychosocial Services (MHPSS) sa mga apektadong residente.