Rally ng mga ayaw sa pagmimina, pinatitigil ng Ipilan Nickel Corporation

Pinatitigil na ng Ipilan Nickel Corporation ang rally na kasalukuyang ginaganap sa barangay maasin, Brookes Point Palawan.

Sa isang kalatas na ipinadala ng minahan sa lokal na pamahalaan na pirmado ng kanilang legal counsel, iginiit ng kompanya na ang rally na ginagawa ng mamamayan ay paglabag sa Batas Pambansa 880 o The Public Assembly Act of 1985.

Nagdala umano kasi ng mga kawayan ang mga raliyesta patungo sa lugar na sakop ng Ipilan Nickel at kalaunay nagbarikada sa sa INC haul Road 2 kaya naharangan ang dumadaang truck.

Ang hakbang raw na ito ng raliyesta ay nakakasagabal sa komersyo at kalakaran habang nalalagay rin daw sa alanganin ang seguridad ng bawat empleyado ng INC.

Maliban pa rito, maituturing rin umanong grave coercion ang ang pagpasok ng mga raliyesta sa compound na pagmamay-ari ng minahan.

Sa huling bahagi ng liham, iginiit ng legal counsel ng minahan na may kapangyarihan ang Lokal na Pamahalaan na ipawalang-bisa ang permit ng mga nagra-rally lalo na kung ito ay may paglabag sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *