Rally ukol sa pakikibaka para sa pambansang demokrasya, panawagan ng mga magsasaka sa Albay

Demokratikong pagbabago ang idinaing ng mga magsasaka sa ginanap na rally kahapon, Pebrero 8 sa Penaranda Park, legazpi City, ay may temang “Paglingkuran ang Sambayanan! Isulong ang Pambansang Demokratikong Pakikibaka.”

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay alyas “Dan”, sinabi niyang isa sa mga layunin ng rally ay ang pagsulong ng maayos at patas na kalakaran para sa mga magsasaka.

Sa nasabing aktibidad, sigaw ng mga magsasaka ay ang magkaroon umano ng boses upang sabihin ang kanilang mga pangangailangan bilang mamamayan.

Ito umano ay alinsunod sa pagsuporta at pagpapatuloy sa nasimulang programa ni Jose Maria Sison na ginanap sa parehong kaarawan nito.

Samantala, ayon naman kay Diosdado Orjales, kinatawan ng Albay Peoples Organization (APO), nakiisa sila sa rally upang ipaabot ang karapatan bilang tao at ng mga naaapi, hustisya para sa mga inaabuso at dapat mabigyan ng solusyon at aksyon ng Commission on Human Rights (CHR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *