Naglunsad muli ng kilos- protesta ang mga tumututol sa pagmimina sa munisipyo ng Brookes Point,Palawan ngayong Martes sa harap ng Haul Road ng Ipilan Nickel Corporation (INC).
Ganap na alas-nwebe kanina ay nagtipon-tipon ang mga raliyesta na umanoy nagmula sa iba’t- ibang mga barangay ng munisipyo at kasama nila ang religious group, Kabataan, at iba pa.
Ito ay pagpapakita umano ng marubdob a pagtutol sa pagsira ng kalikasan at kabundukan ng Ipilan Nickel Corporation dahil patuloy pa rin ang kanilang operasyon kahit pinatigil na ito.
Dala nila ang kopya ng cease and desist order na inisyu noon ng National Commission on Indigenous People (NCIP) Palawan na nagsasaad na dapat tumigil na ang nickel ore mining operation.
Samantala, napanatili ang kapayapaan ng rally sa tulong ng Brookes Point PNP.