Human Interest

Ramen na may kakaibang topping, sine-serve sa Taiwan

Titikman o tatakpan?

Kaya mo bang kainin ang signature ramen na ito sa Taiwan na ang topping ay isang higanteng sea creature na bihira lamang na makikita.

Ito ay ang kakaibang limited-edition ramen na ino-offer ngayon ng The Ramen Boy sa Taipei.

Ang kanilang toppings o centerpiece ay isang 14-legged isopod o kilala sa tawag na “Great King-Legged Worm”.

Ayon sa resto, nagbibigay ng manamis-namis at preskong lasa ang isopod sa kanilang ramen.

Ito ay hinuli pa sa karagatang sakop ng Dongsha Islands sa souther Taiwan at bihira lamang ito mahuli.

Ang sea creature na ito na malayong kamag-anak ng mga woodlice ay nahuhuli sa ilalim ng dagat sa lalim na 7,000 feet.

Kaya kailangan pang magpa-reserve ng customer para ito ay matikman sa halagang 48 US dollar mahigit 2,600 bawat serving. 

Bago ito gawing topping ay pinakuluan muna at saka kukunin sa shell ang mga laman.

Paglilinaw ng resto, parang lobster o pusit lang ang lasa nito na swak na swak sa kanilang ramen.

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago