Ramen Restaurant sa Japan, pinagbawal ang paggamit ng cell phone ng kanilang mga customers

PINAGBAWAL ng isang ramen restaurant sa Japan, ang paggamit ng cell phone ng kanilang mga customers dahil isa umano ito sa dahilan kung bakit natatagalan sila kumain.

Ayon sa may-ari na si Kota Kai, ang kanilang restaurant na “Debu-chan” ay maliit lamang at sa katunayan, 33 customers lamang ang kayang ma-accommodate nito.

Kaya kapag ang kanilang mga customers ay natatagalan kumain dulot ng masyadong paggamit ng kani-kanilang mga cellphones, humahaba at tumatagal umano ang paghihintay ng iba pa nilang customers na nakapila sa labas ng kanilang restaurant.

Isa pa, bumababa umano ang quality ng kanilang noodles kapag masyadong pinatagal ang pagkain nito, dahil sa umiiba ang texture at lasa nito, mas masarap umano kase kainin ang kanilang ramen kapag mainit pa ang sabaw at bagong hain.

Samantala, naisip nila na gawing mas personal ang pagpapatupad ng kanilang bagong alituntunin nang sa ganun ay maramdaman umano  ng kanilang mga customer ang sinseridad na ienganyo silang gamitin ang kanilang oras  na ma appreciate o ma enjoy ang lugar gayundin ang kanilang mga kasama.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *