Rank No. 1 most wanted person ng Donsol Police arestado sa Quezon Province

SORSOGON CITY – Kulungan ang bagsak ng 26-anyos na lalaki na itinuturing ng Donsol Police na kanilang No. 1 most wanted person, makaraang mahuli ito sa Sariaya, Quezon Province.

Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Donsol Police at Sariaya Municipal Police Station si Danilo Lagajino Bagagṅan, residente ng Brgy Cristo, Donsol, Sorsogon.

Hinainan ito ng kanyang warrant of arrest, kaninang umaga, Hulyo 1, 2021 sa Purok 2 Brgy Sampaloc, Sariaya, Quezon.

Ang akusado habang hinahainan ng kanyang warrant of arrest

Ang arrest order ay ibinaba ng RTC Br 51 sa magkapatong na kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa section 5(b) ng RA 7610 na may kaukulang piyansa na P80,000.00.

Sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon sa hepe ng Donsol MPS na si PMaj Arwin Destacamento, kaninang hapon lang sila dumating sa Donsol mula sa Sariaya, Quezon. Ang akusado ay isasailalim pa sa swab test bilang pagsunod sa health protocol ng BJMP-Sorsogon, kung kaya’t mananatili muna sa kanilang custodial facility ng dalawang linggo ang akusado.

Ayon pa sa opisyal, ang biktima umano ni Bagagṅan ay kanyang kamag-anak na 14-anyos noon nang maganap ang panghahalay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *