Rank No. 1 MWP ng Baguio City na may kasong qualified theft, huli sa Malinao, Albay

LEGAZPI CITY – Hawak na ngayon ng Malinao Municipal Police Station ang Rank No. 1 Most Wanted Person ng Baguio City matapos itong maaresto sa Brgy. Balading ng nasabing bayan.

Kinilala itong si Jennifer Condes Aquino, 46 anyos, magsasaka at kasalukuyang naninirahan sa Purok 5, Brgy. Poblacion ng kaparehong lugar.

Ayon sa report, matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad ang akusado dahil sa kinakaharap nitong kasong qualified theft.

Nang maabutan ng kapulisan ang akusado, agad sakanyang isinilbi ang warrant of arrest.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakda rin itong dalhin sa kanyang court of origin upang harapin ang kaso laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *