Rank No. 1 MWP ng Castilla Police at Top 3 MWP ng SPPO, arestado sa Batangas

Naaresto na ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan sa San Juan, Batangas ang itinuturing na No. 1 most wanted person ng Castilla PNP, Top 3 most wanted person ng Sorsogon Police Provl Office at nasa listahan ng Regional most wanted person ng PRO5.

Kinilala itong si Joseph Laroga Jesalva, 49-anyos at residente ng Brgy San Isidro, Castilla, Sorsogon.

Armas ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court 5th Judicial Region, naaresto ang akusado sa Rosario San Juan Road, Brgy Palahanan 2 ng nasabing lalawigan.

Nahaharap si Jesalva sa 10 counts of rape na walang itinakdang piyansa. Nagtago ito matapos ang krimeng ginawa noong 2021.

Ang pagka-aaresto sa akusado ay isang team effort na pinangunahan ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Division, National Capital Region Police Office (RSOG-RID), NCRPO at ng Castilla Municipal Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *