Rank No. 1 MWP ng Pto Diaz Police, naaresto sa CamNorte

Hulog sa kamay ng Pto Diaz MPS ang kanilang No. 1 most wanted person na nagtago sa lalawigan ng Camarines Norte.

Bitbit ang warrant of arrest, dumayo pa sa Brgy Larap, Jose Panganiban ang arresting team ng Pto Diaz MPS at isinilbi ito sa akusadong si Romulo Ebuenga Dia, 63-anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Brgy Diamante, Pto Diaz, Sorsogon.

Si Dia ay nasasakdal sa kasong kriminal na 2 counts of rape.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 54 Gubat, Sorsogon na walang itinakdang piyansa.

Nangyari ang krimen noong taong 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *