Rank no. 1 provincial most wanted person sa Albay, arestado sa lunsod ng Legazpi, sa walong bilang ng kasong rape sa Rapu-rapu, Albay

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga otoridad ang rank no.1 provincial most wanted person sa lalawigan ng Albay sa P-5, Bogtong St., Brgy. Bonot, Legazpi City dahil sa walong bilang ng kasong Rape sa bayan ng Rapu rapu.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jojo”, 47 anyos, isang laborer at residente ng P-2, Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.

Ayon sa report, natagpuan na ng pulisya ang kinaroroonan ng akusado kung kaya’t agad na nagsagawa ng operasyon na pinangunahan ng Rapu-rapu MPS kasama ang RIU 5, Legazpi CPS, Irosin MPSat iba pang yunit ng pulisya upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest.

Mabilis namang inaresto ng mga otoridad ang akusado, samantala, wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang akusado ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *