Rank no.10 regional most wanted person sa Bicol, nahuli na sa Paranaque City; rank no.7 city most wanted person nahuli din sa kasong murder

LEGAZPI CITY – Magkasunod na nasakote ng mga kapulisan ng Legazpi City Police Station, sa tulong ng iba pang yunit, ang dalawang “most wanted persons” sa magkahiwalay na operasyon sa Parañaque City at Lungsod ng Legazpi.

 Unang naaresto ng mga operatiba ng Legazpi CPS, ang “Rank 10 Regional Most Wanted Person sa Bicol” na may kasong “Statutory Rape”. Bitbit ang “warrant of arrest” na ipinalabas ng korte noong April 1, 2014, ay nagtungo ang mga awtoridad sa 7128 Franc Lane Villanueva Village, Sucat, Paranaque City para isilbi ang kautusan sa pag-aresto kay alyas “Bobbie”, 47 anyos at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

 Ang akusado ay nagtago ng walong taon mula ng masampahan siya ng kasong panghahalay sa isang menor de edad na babae. Samantala, sumunod namang naaresto dakong 10:00 ng umaga sa Purok 6, Brgy. Bañadero ng lungsod ng legazpi ay ang isang binatilyo na tinaguriang “Rank 7 City Most Wanted Person ng Legazpi.” Siya ay “wanted” sa mga kasong “Slight Physical Injury and Maltreatment” at “Murder,” na parehong pinalabasan na “warrant of arrest” ng korte nito lamang na taon.

 Kinilala ang akusado na si Alyas Jovic 16 anyos residente ng nasabing barangay. Pansamantalang ipinasailalim sa kustodiya ng himpilan ng pulisya ng Legazpi City ang mga naarestong akusado, habang inaayos pa ang mga dokumento na kailangan para sa pagharap sa kanila sa korte na nagpalabas ng kautusan ng kanilang pagkakaaresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *