Rank No. 2 most wanted huli sa SACLEO sa Bulacan

SORSOGON CITY – Himas rehas na ngayon ang 73-anyos na vendor matapos na arestuhin ng mga personahe ng Gubat Police sa Sta Maria, Bulacan.

Kinilala ang akusado na si Romulo Abundio Estavillo alias Muling, may asawa at naninirahan sa Brgy Pulong Bato, Sta Maria, Bulacan. Itinuturing din itong No. 2 most wanted person ng Gubat Police.

Batay sa ulat, nagsagawa ng simulataneous anti-criminality and law enforcement operations o SACLEO ang pulisya na nagresulta sa pagkahuli ng akusado sa nasabing lugar. Ang tracker team ng Gubat Police ay pinangunahan mismo ng hepe nito na PMaj Jose Arnel Geronga katuwang ang ilang personahe ng Sta Maria Bulacan Police.

Si Estavillo ay nagtago ng halos 11 taon matapos ang ginawang krimen. Naaresto ito umaga noong Linggo, Agosto 1 sa pamamagitan ng alias warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ng RTC 54-Gubat, Sorsogon na walang kaukulang piyansa.

Nasa kustudiya na ito ngayon ng Gubat Police para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.