Rank No. 2 most wanted ng Sorsogon City Police, arestado sa Valenzuela City

Arestado sa Valenzuela City ang 18-anyos na binatilyo na may kinakaharap na kaso sa lungsod ng Sorsogon.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, inaresto si Roy Tawi Basaysay, binata, technician at pansamantalang naninirahan sa Pembo, Makati City.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC 5th Judicial Region, Br 54, Gubat, Sorsogon sa kasong frustrated murder na may itnakdang piyansa na P200K.

Dumayo pa sa Valenzuela City ang tracker team ng Sorsogon City Police Station katuwang ang personahe ng Northern Police District at iba pang operatiba ng RIU-5 at Provincial Intelligence Team ng Sorsogon Police Provl Office, upang ihain ang warrant of arrest sa akusado, umaga noong Lunes, Enero 23 sa Mulawin Dulo Lawang, Valenzuela City.

Si Basaysay ay nagtago matapos ang krimeng ginawa noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *