Rank No. 4 RMWP at No. 3 MWP, arestado

Naaresto ng Pulis Kasanggayahan ang dalawang most wanted person sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan.

Inaresto ng mga personahe ng Sorsogon CPS at ng RIU5 si Rodolfo Lato Hamor, 50-anyos, binata, construction worker at naninirahan sa Brgy Panlayaan, West Dist., Sorsogon City. Itinuturing ito na No. 4 regional most wanted person.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC 5th Judicial Region, Br 52, Sorsogon City sa kasong 5 counts of rape na walang itinakdang piyansa.

Sa bayan ng Magallanes ay naaresto ng mga awtoridad ang kanilang No.3 most wanted na kinilalang si Romy Marantal Buenconcejo alias Butang / Ceasar, 44-anyos, may asawa, construction worker at residente ng Brgy Siuton, Magallanes, Sorsogon.

Nasasakdal si Buenconcejo sa kasong frustrated murder na may inirekomendang piyansa na P200K.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *