Rank No. 7 at akusado sa 2 counts of rape sa bayan ng Sta. Elena nadakip sa Guinayangan, Quezon.

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang 40 anyos na lalaki na itinuturing na ika-7 Municipal sa bayan ng Sta Elena nitong Setyembre 12, 2021 dakong 5:45 ng hapon sa Barangay Sta Maria, Guinayangan, Quezon.

Ang akusado ay kinilalang si alyas “LITO”, 40 anyos at tubong Sitio Nagsingi, Barangay San Pedro, Sta. Elena, Camarines Norte at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Sta Maria, Guinayangan, Quezon.

Si LITO ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Acting Presiding Judge ng RTC 5th Judicial Region Branch 64, Labo, Camarines Norte para sa kasong 2 counts of Rape Art. 266-A ng RPC at walang rekomendadong piyansa.

Ayon sa ulat, si LITO ang akusado sa panggagahasa sa kanyang sariling anak na naganap sa mismo nilang tahanan sa Barangay San Pedro, Sta. Elena, Camarines Norte taong 2011.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Sta Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *