Rank No. 8 Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet naaresto sa lungsod ng Naga

CAMARINES NORTE – Napasakamay ng mga otoridad ang ikawalo sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Daet para sa buwan ng Hunyo 2021

Ang pagdakip sa suspek ay isinagawa nitong June 16, 2021 bandang 1:10 ng hapon sa parking area ng SM City Naga, Brgy. Triangulo, Naga City.

Kinilala itong si Ricky Otto Y Veri, 53 taong gulang at residente ng Purok 9, Brgy IV, Daet, Camarines Norte.

Ang nabanggit na suspek ay napagalamang miyembro ng Guttierez Drug Group

Si Otto ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 11, Art II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 39, Daet, Camarines Norte at may piyansang umaabot sa dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

Ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng himpilan ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *