Rank No. 8 PMWP at No. 2 MWP ng Sorsogon, arestado sa magkahiwalay na lugar

Arestado ang dalawang most wanted person  ng Pulis Kasanggayahan sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan.

Unang naaresto ang No. 8 provincial most wanted person ng SPPO na si Antonio Gajo Fraga, 56-anyos, may asawa, tricycle driver at naninirahan sa Sitio Puro, Brgy Eugenio, Sta Magdalena.

Si Fraga ay nahuli sa Brgy San Roque ng parehong bayan sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 55, Irosin, Sorsogon sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Naaresto naman ng Irosin MPS ang kanilang No. 2 municipal most wanted sa Brgy San Julian ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Louie Magdaraog Villanueva, 35-anyos, binata, welder at residente ng Brgy Bagsangan ng nasabing bayan.

Hinainan ito ng kanyang warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 55, Irosin, Sorsogon sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *