DAET, CAMARINES NORTE- Nadakip na ng mga otoridad ang isang 46 anyos na construction worker na itinuturing na Ranked Number 7 sa Municipal Most Wanted Person ng Daet, Camarines norte
Ang suspek ay kinilalang si BILLY RESPETO y Ruelo, residente ng Purok 1, Barangay Mambalite ng nabanggit na bayan
Ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspek ay ikinasa nga mga otoridad nitong sabado ( May 01, 2021) bandang alas 7:20 ng umaga sa Daet Bridge 1, Barangay III, Daet
Ang suspek nahaharap sa kasong two (2) counts ng Attempted Murder kung saan nagrekomenda ang korte ng Php 120,000.00 para sa bawat kasong kinakaharap nito
Ang suspek nasa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang disposisyon

