Rape case at vehicular incident nangunguna sa record ng PNP sa bayan ng Brookes Point, Palawan

Inihayag ng hepe ng pulisya sa bayan ng Brookes Point, Palawan na ang Rape case at vehicular accident ang nangunguna sa kanilang record ngayon.

Sa regular session na sesyon nitong Martes, inihayag ni PMAJ. RAFFY ESPERIDA ang ulat sa harap ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Kadalasan umanong dahilan ng vehicular accident ay mga pagala-galang hayop tulad ng alagang baka at mga aso maliban pa sa hindi sapat na kaalaman ng nagmamaneho.

Samantala, ikinalungkot ng Station Commander na ang suspek sa kaso ng Rape ay sariling ama ang mga suspek subalit nasampahan na ng kaso ang mga ito.

Gayunpaman, sinisikap ng pulisya na mapanatiling mapayapa at ligtas ang mamamayan sa pamamagitan ng crime prevention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *