Rapu-Rapu at Batan island “Power Shutdown” tuloy sa Byernes kung di makapagbayad ng 15 million pesos-APEC

LEGAZPI CITY – Nanindigan ang ALbay Power and Energy Corporation o APEC na itutuloy pa rin ang pagputol ng supply ng kuryente sa darating na byernes sa bayan ng Rapu Rapu Albay sa oras na hindi mabayaran ang inisyal na P15M sa kabuuhang utang na P32M.

Ito ang inihayag ni Pat Gutierriez ang Spokesperson ng nasabing korporasyon sa ginawang press briefing kahapon.
Ayon kay Gutierrez, anim na taon na rin silang nakikipag-usap ang APEC sa Local Government Unit (LGU) ng Rapu Rapu subalit hindi naman sumisipot ang Alkalde nito tuwing makikipagkita.

Aniya, nagkailang beses na rin umanong sinusulatan ang LGU ngunit hindi pa rin pinapansin ang problema o utang ng nasabing bayan.

Dagdag pa nito, ilang beses na rin pinagbibigyan ang Rapu Rapu kung saan ang APEC ang nagbabayad o sumasalo ng utang para lang hindi maputulan ngunit luging lugi pa rin ang korporasyon.

Sa ngayon ay nasa P837K pa lang ang total collection o nababayaran ng Rapu Rapu sa korporasyon.

Ayon pa sa APEC, inaasahan rin sa mga susunod na araw o linggo ay magkakaroon ng massive disconnection sa mga barangay o establishment sa lalawigan ng Albay kung saan puputulan ng kuryente ang may mga malalaking utang pa.

Sinabi pa ng opisyal, possible rin umano maulit muli ang malawakang block out sa lalawigan ng Albay sa oras na magpatuloy o lumubo pa ang utang ng APEC.

Sa ngayon ay umaabot na sa P3.4B ang utang ng APEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *