Sports

Ravena, unang Pilipinong atleta na nakapasok sa Jordan Brand

Sa kauna-unahang pagkakataon ay meron Pilipinong atleta na nakapasok sa Jordan Brand, matapos nitong kunin ang NLEX ace guard na si Kiefer Ravena.

Kabilang sa mga kilalang atleta na nasa elite circle ng Jordan Brand ay ang NBA superstars na sina Jayson Tatum ng Boston Celtics, Luka Doncic ng Dallas Mavericks at Zion Williamson ng New Orleans Pelicans.

Sinabi ni 27-anyos na PBA cager, matapos ang kanyang makasaysayang kasunduan, na karangalan para sa kanya na maging bahagi ng basketball family ng Jordan Brand.

Kinilala naman ng iconic sneaker line ng basketball legend na si Michael Jordan ang passion at pagmamahal ni Ravena sa laro.

Ipinunto ni Jordan Brand president Craig Williams na nakakita sila ng inspirasyon sa basketball culture ng Manila at thrilled sila na i-welcome ang unang Filipino athlete sa kanilang Jordan family.

Isa rin masugid na tagasuporta ni Jordan si Ravena, at sa katunayan ay Jodan 9s ang unang pair niya ng basketball sneakers.

BNFM Makati

Recent Posts

3 mga empleyado binawian ng buhay dahil sa matinding init sa Pili, Camarines Sur

NAGA CITY- Tatlong mga empleyado ang binawian ng buhay dahil sa init ng panahon sa…

4 hours ago

Dahil sa pagtatalo sa relihiyon, lalaki ginilitan ng kaibigan

Dahil umano sa pagtatalo sa relihiyon napatay ng isang lalaki ang kanyang kainuman sa Brgy…

4 hours ago

Nagkadaiyang labor group sa Sugbo nihimo og lihok protesta

Gipahigayon sa nagkadaiyang groupo sa mamumo-o ang usa ka halapad ug malinawon .nga lihok protesta…

5 hours ago

Bangka ng China sa Ayungin Shoal, pinalayas ng mga sundalong sa BRP Sierra Madre

Pinalayas ng mga tropa ng sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre ang mga maliit…

6 hours ago

PRO-7 naka kompiska og P16.4M balor sa drugas sulod sa duha ka adlaw nga SACLEO

Ang Police Regional Office 7 nihimo og laing hugna sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation…

6 hours ago

Mga Pilipinong nakaranas ng gutom – nadagdagan

Tumaas sa 14.2% ang bilang ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa…

6 hours ago