Showbiz

Raymond Gutierrez, nagladlad; Nakaranas noon ng depresyon dahil sa sekswalidad

Aminado si Raymond Guttierez na minsan na siyang nakaranas ng depresyon dahil sa usapin na may kinalaman sa kaniyang sekswalidad.

Sinabi ito ni Mond sa isang panayam kung saan ay pormal niyang inanunsyo na “proud member” siya ng LGBTQ community.

Ayon kay Mond, naging mahirap para sa kaniya na tanggapin ang kaniyang kasarian habang lumalaki at noong pumasok siya sa showbiz bilang TV host noong siya ay 19-anyos ay nakita niya na hindi pa talaga tanggap sa lipunan ang mga miyembro ng LGBTQ.

Ipinunto ni Mond na minsan din niya na-kwestyon sa sarili kung bakit may kapatid siya na sobrang kamukha niya, ngunit ibang-iba sa maraming paraan.

Ibinunyag naman ni Mond na dati na siyang nakaranas ng depresyon dahil sa bansag ng mga tao sa kaniya bilang “baklang kapatid ni Richard.”

Anya, ito ang rason kung bakit siya nag-gain weight at naging “self-destructive.”

Sa kabila ng pinagdaanan ni Mond ay sinabi niya na ngayon lang siya nakakaramdam ng sobrang kasiyahan at pagkakuntento sa kaniyang buong buhay lalo na at sa gitna ng pandemya ay nagkaroon siya ng realizations na kailangan natin mamuhay ng masaya dahil maikli lang ang buhay.

Nagpahayag naman ng suporta ang maraming celebrities sa kaniyang paglaladlad, kabilang na ang kaniyang mga kapatid na sina Richard, at Ruffa, sister-in-law na si Sarah Lahbati, Isabelle Daza, at Anne Curtis.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago