RCEP umabot sa plenaryo ng Senado sa ikalawang pagkakataon

Umabot na sa plenaryo ng Senado ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.

Ito ay matapos i-sponsor ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mega free trade deal sa session na isang hakbang tungo sa concurrence ng chamber sa ratipikasyon nito.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Zubiri, na nalulungkot ito na hanggang ngayon, ang Pilipinas na lamang ang tanging RCEP signatory state na hindi pa sumasang-ayon sa ratipikasyon ng RCEP Agreement.

Sinabi niya na matapos magkabisa ang RCEP noong January 1, 2022, ang mga ASEAN countries ay kasalukuyang nagbe-benepisyo na sa trade deal. idinagdag pa ng Senate president,  na ang RCEP ay nangangako ng mas magandang kalakalan, mas maraming trabaho, at mas murang mga bilihin.

Bagama’t binanggit niya ang maraming benepisyo ng RCEP sa ibang bansa, sinabi ni Zubiri na naiintindihan nila ang mga issues at alalahanin ng ilang grupo na tumututol sa ratipikasyon ng kasunduan.

Nagbigay rin siya ng katiyakan na hindi papatayin ng RCEP ang sektor ng agrikultura. Ang RCEP ay nauna nang inaprubahan ng nakaraang administrasyon at dinala sa Senado para sa concurrence nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *