RDRRMC at OCD Bicol, patuloy ang pagsasagawa ng damage assessment matapos maitala ang malakas na lindol sa ilang bahagi ng Bicol region

Patuloy na binabantayan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) Bicol ang Camarines Norte matapos ang magnitude 5.3 na lindol na sumira ng mga school building at opisina sa lalawigan nitong Miyerkules.

Nagsasagawa pa rin ng damage assessment ang ilang PDRRMO matapos makaranas ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng nasabing rehiyon.

Anila, maging ang lalawigan ng Camarines Norte ay nagsagawa na rin ng monitoring at information and education campaign pagkatapos ng lindol.

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng assessment sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa mga provincial engineering office.

Sa ulat ng OCD-Bicol, may nakitang mga bitak sa iba’t ibang gusali sa elementarya at hayskul, opisina ng gobyerno, rural health units, barangay hall at daycare center sa mga munisipalidad ng Capalonga, Labo, Mercedes, Paracale, Sta. Elena at Vinzons.

Walang naitalang pagkaputol ng kuryente, tubig, o linya ng komunikasyon sa rehiyon.

Samantala, sa bayan ng Mercedes, ilang estudyante ang naiulat na nahimatay sa San Roque National High School at apat na barangay na may kabuuang 40 indibidwal ang nakaranas ng pagkagulat sa lindol habang isinasagawa ang barangay DRRM planning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *