LEGAZPI CITY – Nais paglaanan ng pansin at tutukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang reading culture ng mga kabataan.
Ayon kay Provincial Librarian, Amelyn N. Bautista ng Albay Provincial Library and Information Center, patuloy ang pagbibigay nila ng information service lalo na sa mga barangay para sa kanilang programang “Provide a correct information at the right time.”
Layon ng programang ito na bisitahin ang mga kabataan sa mga barangay sa lalawigan ng Albay tuwing Biyernes at buhayin ang reading culture ng mga ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng storytelling, arts & craft at pagbibigay ng booklet sa mga ito.
Ang aktibidad sa programang ito ay tinatawag nilang ‘Kwentuhan sa Bario, Hali na Kayo,’ na naglalayong maibalik ang interest ng mga bata sa literatura higit pa sa pagbabasa.