‘Real life’ SpongeBob at Patrick, natagpuan ng isang marine biologist sa Atlantic

“Are you ready kids? Aye aye captain! I can’t hear you… Aye aye captain!!”

Pamilyar ba sainyo ang linyahan at pasigaw na simula ng theme song na yan ng isang sikat na animated comedy television series?

Malamang ay oo at kung meron mang hindi nakakaalam, siguro ay kakaunti lamang. Halos lahat kasi saatin ay lumaki sa panunuod ng nakakatuwa at nakakalibang na kwento ni SpongeBob Squarepants kasama ang kanyang sidekick na si Patrick Star.

Taong 1999, nang ilunsad ng marine science educator at animator na si Stephen Hillenburg ang American animated comedy series na SpongeBob Squarepants na pinagbibidahan nina SpongeBob na isang sea sponge at ni Patrick na isa namang starfish.

Ngunit aakalain niyo ba  na natuklasan ng Marine Biologist na si Christopher Mah ang animo’y real life version ng mga nasabing karakter. Ito’y matapos niyang matuklasan ang isang yellow sea sponge at pink sea star sa malalim na bahagi ng karagatan ng Atlantic.

Ayon kay Mah, gamit ang remotely operated sea vehicle ay natuklasan niya ang nasabing species sa Retriever seamount, 200 milya ang layo sa Silangan ng New York City.

Ayon sa pag-aaral, mayroong 8,500 species ng sponges ang naninirahan sa karagatan, 600 milyong taon na ang nakakaraan.

Ganunpaman, iba’t-iba ang kulay at hugis nito at iilan lamang ang kahalintulad ng mala kahon na hugis ni SpongeBob. Higit sa lahat, madalas na matagpuan ang mga ito sa mga mabuhangin at mga mabatong bahagi ng dagat, salungat ng tirahan ng cartoon character na si SpongeBob who lives in a Pineapple under the sea.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *