Rebel returnee patay sa pamamaril sa Casiguran, Sorsogon

SORSOGON CITY—Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Casiguran police matapos matagpuang patay ang isang former rebel (FR) at may tama ng bala sa gitna ng isang palayan sa Sitio Sog-ong,Brgy Sta Cruz, Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Gringo Hainto Chan, 35-anyos, may live-in partner, isang rebel returnee at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat, isang concerned citizen ang nagpaabot ng detalye sa Casiguran police hinggil sa  mga putok ng baril na kanilang naulinigan.

Agarang nai-dispatch ang mga tauhan ng himpilan upang maberipika ang nasabing ulat subalit walang nakitang biktima o anumang physical evidence sa lugar.

Sabado na ng umaga nang matagpuan ng intelligence operatives ng Casiguran MPS ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon ay inaalam pa kung sino ang responsable sa krimen.

Ang nasabing lugar ay benepisyaryo ng programang E-CLIP ng gobyerno para sa mga rebel returnee na nagbalik loob sa pamahalaan.

| Contributed photo thru Joey Galicio |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *