Record high: Utang ng PH, lomobo sa halos P11T as of end-April 2021

Lomobo pa sa record-high na halos P11 trillion ang utang ng gobyerno as of end-April 2021.

Sa inilabas na datos ng Bureau of the Treasury (BTr), lumalabas na ang running debt ng gobyerno ay nasa P10.991 trillion, na 2% na mas mataas kumpara sa end-March’s level na P10.774 trillion.

Ayon sa Treasury, ang pagsipa ng utang ay dahil sa net availment ng parehong local at external financing.

Mula naman sa total outstanding debt stock, 71.1% ay kinuha locally at 28.9% ay kinuha externally.

Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort na ang latest rise sa utang ng national government ay sumasalamin sa pagtaas sa foreign borrowings ng pamahalaan, kamakailan, gaya ng EUR2.1 billion ($2.5 billion) euro-denominated bond sale at JPY55 billion ($505 million) Samurai bond sale at budget deficits kada buwan. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *