“Recovery program” na magbibigay tugon sa ‘learning losses’ ng mga mag-aaral dahil sa pandemya, inilunsad ng DepEd-Catanduanes

BNFM BICOL–  Inanunsiyo ng DepEd Catanduanes Schools Division Office na pormal nang inilunsad ng kanilang tanggapan ang “CARE in RAISE” na magsisilbing recovery program ng ahensya sa layuning matugunan ang ‘learning losses’ ng mga mag-aaral sa lalawigan buhat nang pagsasara ng mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam sinabi ni Schools Division Superintendent – Susan Collano, na isa sakanilang mga target goal sa ilalim ng ‘CARE in RAISE’ ay ang matutukan ang mga mag-aaral mula sa partikular na grade levels na hindi pa gaanong marunong magbasa.

Samantala sa isinagawang launching, inihayag naman ni DepEd-Bicol Asst. Regional Director – Ronelo Al Firmo na dapat aniyang panatilihin ng mga guro ang pagiging “holistic” o pagbibigay ng mas malawak na suporta sa mga estudyante at maging sa mga magulang.

Matatandaang dahil sa banta ng pandemya, mahigit dalawang taong isinara ang mga paaralan daan upang maging limitado ang pamamaraan ng mga mag-aaral upang matuto kung kaya’t naniniwala umano ang DepEd na kailangan nila itong matugunan sa pamamagitan ng paglulunsad ng ‘recovery programs’.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *