Nagsimula na ang recruitment process para sa second batch ng mga police applicants na dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa isinagawang seremonya sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR) sa Camp Pendatun sa Maguindanao del Norte, hinikayat ni DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang mga applicants na maging tanglaw ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Mensahe pa ni Abalos, sa sandaling makapasa ang mga dating miyembro ng MILF at MNLF – magiging simbolo na sila ng peace talks.
Sila rin aniya ang simbolo ng BANGSAMORO at ng Republika ng Pilipinas at PNP, at magbabantay sa mga lugar upang matiyak ang kapayapaan at katahimikan.
Sa huli, hinimok din ng kalihim ang 102 na mga bagong appoint na PNP patrolmen mula sa first batch ng MILF/MNLF applicants na magpursigi sa 24-week rigorous Police Safety Basic Recruitment Course sa police science administration, combat operations, at tactics.