Red Cross, ibebenta ang Moderna’s COVID-19 jab sa P3,500/ 2 doses

Mag-aalok ang Philippine Red Cross (PRC) ng Moderna COVID-19 vaccine sa  halagang P3,500 para sa dalawang doses.

Ayon kay PRC chairman at Sen. Richard Gordon, bahagyang mabagal ang vaccine procurement, bagama’t nahahabol umano nila ito.

Dagdag ni Gordon, naka-order na sila ng 200,000 Moderna doses, kung saan 100,000 katao ang mababakunahan.

Sinabi naman ng chairman na ang P3,500 na presyo para sa dalawang Moderna vaccine doses ay sakop na ang administrative costs ng PRC.

Batay sa datos ng DOH, as of May 11, nasa 83 percent ng 7,764,050 available doses ng COVID-19 vaccines sa bansa na kinabibilangan ng CoronaVac, AstraZeneca, at Sputnik V, ay naipamahagi na. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *