Red Cross, tiniyak na sapat ang suplay ng dugo matapos ang pagtaas ng kaso ng dengue

Tiniyak ng Philippine Red Cross na sapat pa rin ang pondo nitong mga dugo sakali mang kailanganin sa gitna pa rin ng nagpapatuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay PRC Chairperson Senator Dick Gordon, ngayong tag-ulan na naman at malaki ang banta ng dengue, makasisiguro ang publiko at ang mga ospital na mayroon silang sapat na blood supplies sa kanilang mga facilities.

Sa ngayon aniya, aabot na sa 700 mga blood units ang naibigay ng NGO sa higit tatlong daang mga dengue patients.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin anila ang ginagawang information campaign ng PRC kontra dengue.

Umapela rin ang NGO sa publiko na tuloy na mag-donate ng dugo sa kanilang mga tanggapan.

Matatandaang sa latest report ng Departmentof Health, 14 mula sa 17 rehyon sa bansa ang nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng dengue cases.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.