Referral ng mga pasyente sa mga private hospitals, sinimulan na

KORONADAL CITY- SINIMULAN na ng provincial government ng South Cotabato sa pamamagitan ng South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) ang pag-refer sa mga pasyente sa mga pribadong pagamutan.

Inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na nasa trial stage na sila ng naturang programa kung saan ang mga indigent na mga pasyente sa provincial hospital na may Urinary Tract Infection o UTI, Community Pneumonia at Acute Gastroenteritis ay inirerefer sa mga pribadong ospital.

Ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaang lokal upang ma-decongest ang provincial hospital.

Ayon sa gobernador na ang naturang programa ay kanila pang oobserbahan at pag-aaralang mabuti lalo na ang mga advantages at disadvantages nito.

Nunit inihayag ni Tamayo na pinagsisikapan nilang matapos sa lalong madaling panahon ang expansion ng provincial hospital sa Protech Center upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga pasyente sa SCPH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *