Region 12, magdiriwang ng Buwan ng Gatas sa Marso

KORONADAL CITY- NAGHAHANDA na ang Soccsksargen region para sa selebrasyon ng Buwan ng Gatas sa Marso.

Kamakailan lamang, nagpulong na ang Task Force GATAS o Government Action Towards Transformation in Agriculture for Sustainability na binubuo ng mga representante mula sa regional line agencies at mga local government units upang pagplanuhan ang pinakaunang Buwan ng Gatas celebration.

Napag-alaman na ang Soccsksargen ang nag-iisang rehiyon sa bansa na naglaan ng isang buwang pagdiriwang upang mapaigting ang awareness ng publiko kaugnay sa gatas.

Kabilang sa highlights ng month-long celebration ay ang milk feeding programs sa mga kabataan, pregnant mothers, at ELCAC communities, information dissemination sa nutritional value ng gatas, data benchmarking at pagbibigay ng recognition sa mga barangay at mga local government units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *