Region-wide “Pugay Tagumpay Ceremonial Exit”isinagawa sa Ilagan City

Isinagawa kahapon ang Region-wide “Pugay Tagumpay Ceremonial Exit” sa lungsod ng Ilagan. Dinaluhan ito ng mahigit isang libong pamilya mula sa ibat ibang lalawigan at siyudad sa lambak Cagayan na nagsipagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Kinabibilangan ito ng 160 na pamilya mula Cagayan,536 sa Ilagan City,195 sa Isabela,60 sa Quirino at 84 sa Nueva Vizcaya.

Sinaksihan ang pagtatapos ni 4Ps Officer-in-Charge – Deputy Program Manager (OIC-DPM) for Program Services and Interventions Rosalie D. Dagulo.

Sa kaniyang naging mensahe, ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng programa upang wakasan ang intergenerational cycle of poverty.

Ang Pugay Tagumpay ay isang selebrasyon na naglalayong kilalanin at pahalagahan ang pagsusumikap ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa pagkamit ng level 3 o self-sufficiency na antas kung saan sila ay maituturing nang non-poor.

Dumalo sa selebrasyon sina 4Ps Party List Representative Jonathan Clement “JC” Abalos, DSWD Region-2 (Cagayan Valley) Regional Director Lucia Suyu-Alan at mga lokal na opisyal mula sa ibat ibang probinsiya sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *