CAMARINES NORTE- Nagkaroon ng Command Visit ang Regional Director of Police Regional Office 5 na si Police Brigadier General, Westrimundo Obinque dito sa Camarines Norte Police Provincial Office.
Naganap ang nasabing command visit pasado alas diyes ng umaga kahapon, May 3, 2023 na dinaluhan ng ibat-ibang Municipal Police Station sa lalawigan ng Camarines Norte
Ayon sa pahayag ni PBGen. Westrimundo Obinque, nagpapasalamat umano sya dahil nabigyan sya ng oportunidad na magkaroon ng Provincial visit sa ibat-ibang probinsya ng Pro5
Sinabi rin nya na sa tagal daw ng kanyang serbisyo bilang isang pulis ay first time daw nyang ma-assign sa Bicol Region
Dagdag pa niPBGen. Westrimundo Obinque, baka ito na rin ang huling beses na magkaroon ang bico region ng makakasama sa PNP na graduate ng Philippine Military Academy
Pinaalalahanan din PBGen. Obinque, ang kapulisan na gawin umano ang dapat na gawin at sa abot ng kanilang kakayahan.
At bago magtapos ang kanyang mensahe, sinabi rin nya kung ano ang gusto niyang mangyari sa Regional Office 5, unang-una na umano riyan ang matino o isang pulis na may disiplina, ikalawa ay ang kalinisan at presence ng kapulisan sa opisina
