Hinihikayat ng Department of Interior and Local Government o DILG Region 3 ang publiko na makiisa sa gaganaping Regional launching ng BIDA o Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan sa pamamagitan ng “BIDA 2023 RUN”, sa March 4.
Gaganapin ito sa CDC Parade Ground ng Clark Freeport Zone.
Bukas ito sa mga indibidwal na may edad 18 hanggang 30 years old.
May libreng running T-shirt at race tag para sa mga registered participants.
May nag aantay ring premyo sa mga mananalo sa 3km at 5km run.
Para sa mga gustong mag register i-click lang ang link https://tinyurl.com/BIDARun2023.
