Arestado ang No. 1 regional level most wanted person sa ikinasang manhunt operation ng Pulisya sa Brgy Maolingon, Mandaon, Masbate.
Kinilala ng Mandaon MPS ang suspek na si Michael Tero Solomon, 46-anyos, may asawa, mangingisda at naninirahan sa nasabing barangay.
Isinilbi kay Solomon ang warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ng RTC 4th Judicial Region, Br 19 Bacoor, Cavite na walang itinakdang piyansa.
Ang manhunt operation ay pinangunahan ng Mandaon MPS katuwang ang RID4A, RIT-Quezon; Quezon Prov PMFC 4th Platoon; San Andres MPS, Quezon PPO at ilang tauhan ng 1st at 2nd PMFC Maneuver Platoon ng Masbate PPO.
Agad namang ibiniyahe ang suspek pabalik, upang ipresenta sa kanyang court of origin.
Ang kaso ni Solomon ay nag-ugat noong taong 2012.
Pinasalamatan naman ng Mandaon Police ang mga mamamayan sa patuloy na pakikipagtulungan sa Pulisya upang madakip ang mga nagtatago sa batas.
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…
Sa gitna ng pag-usad ng PUV Modernization Program, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory…
Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na mararatipikahan ngayong taon ang Free Trade Agreement o FTA…
Naniniwala si House Deputy Minority Leader, ACT-Teachers party-list Rep. France Castro, na dapat nang ma-certify…