Wanted sa panggagahasa sa isang minor, arestado sa Batangas

Arestado ang lalaking itinuturing na Most Wanted Person-Regional level dahil sa kasong panggagahasa sa isang minor de edad sa ikinasang operasyon sa Brgy. Balete, Batangas City.

Kinilala ng Lian Municipal Police Station ang akusado na si Arnold De Torres y Barangas, 42 anyos, may-asawa, at residente ng Lian, Batangas.  

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na inilabas ng of Regional Trial Court Branch 90 ng DasmariƱas Cavite noong Marso 1, 2023 at walang kaukulang piyansa.

Ayon sa report, nangyari ang insidente sa DasmariƱas City, Cavite kung saan ginahasa umano ng suspek ang isang menor de edad.

Nasa kustodiya na ng Lian MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon at return of warrant nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *