Regional MWP at provincial no. 10 MWP, arestado sa kasong pagpatay sa Oas, Albay

LEGAZPI CITY – Humihimas na ngayon sa malamig na rehas ang regional listed, provincial no. 10 at municipal no. 8 most wanted person matapos mahuli sa Brgy. Ilaor Sur, bayan ng Oas, Albay dahil sa kasong murder.

Kinilala ang akusado na si Nickson/Nixon Reblando y Masotes, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga nang puntahan ang kinaroroonan ng suspek upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest.

Nang makita, dito na inaresto ang akusado dahil sa nasabing kaso at walang ibinigay na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay dinala agad sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *