Regional Science, Technology & Innovation Week in Central Luzon kauna-unahang gagawin sa Zambales

Isasagawa sa lalawigan ng Zambales ang Regional Science, Technology & Innovation Week in Central Luzon ngayong taon.

Ayon sa Department of Science & Technology, ito ay unang beses na gagawin sa probinsya.

Sa aktibidad ay makikita ang iba’t ibang exhibits katulad ng Robotics, Science Centrum at Product Bazaar.

Gaganapin ito mula Oct. 18 hanggang 20 kung saan maaaring makita ng publiko ang mga ito lalo na ng mga estudyante.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *