Mahigit 2 milyon na mga bagong botante ang nagparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ayon sa datus ng Commission on Elections hanggang nitong January 28, 2023.

Batay sa latest figures na inilabas ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco, mayroong 2,076,491 ang nagparehistro sa pamamagitan ng regular process habang mayroong 8,651 ang nagparehistro sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project.
Ang latest figures ay nagdala ng kabuuang bilang ng registrants sa 2,085,142 para sa 2023 BSKE, sa data na ito, 1,243,822 ang mga new registrants.
Magtatapos na nag voters registration sa Enero 31.
Sa isang panayam, muling iginiit ni Comelec Chairman George Garcia na walang extension ng registration period para sa 2023 BSKE.//CA